KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•bás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbabâ ng lagnat; paggaling ng isang may lagnat.
Mabilis ang hibás niya nang makainom ng gamot.
BABÂ

2. Pagtígil o pagtilà ng malakas na hangin, ulan, o bagyo; paghupà ng bahâ o malakas na alon ng dagat.
Natuwa ang lahat sa paghibás ng hanging taglay ng bagyo.
HUPÀ, HÚLAW

Paglalapi
  • • paghibás: Pangngalan
  • • hibasán: Pandiwa

hi•bás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nabawásan ang tindí o sidhî gaya ng sa lagnat, bagyo, at bahâ.

hi•bás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakatagilíd ang áyos.
Hibás na ang bahay nila nang tumigil ang malakas na unos.
HÍLIG, HÁPAY, KÍLING

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?