KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hu•pà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-impis o pagkaalis ng pamamagâ.
IMPÍS, ALÍS

2. Pagbawas sa tindi, sidhî, atbp.

3. Pagtigil o paghintô ng bagyo, bahâ, atbp.
HÚLAW, KÁTI

Paglalapi
  • • kahupaán, paghupà: Pangngalan
  • • humupà, magpahupà, mapahupà, pahupáin: Pandiwa

hu•pâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tigil na; payapà na.
Hupâ na ang gálit niya.

2. Hindi na namamagâ.
Hupâ na ang kaniyang súgat.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?