Ang KWF Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno ay hango sa database ng Diksiyonaryo ng Wikang Filipíno na unang nalathala noong 1989. Ito ang kauna-unahang monolingguwal na diksiyonaryo ng wikang Filipino na binubuo ng 31,245 salitang pasok na inihanda ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (dating Surian ng Wikang Pambansa)...
Ang Diksiyonaryo ng Wikang Filipíno ay patuloy pang pinalalawak sa pamamagitan ng pagdaragdag ng lahok mula sa iba't ibang wika ng Pilipinas...
Sa huli, nananawagan ang Komisyón sa Wíkang Filipíno sa lahat na magpadala ng mga puna at mungkahi upang higit na matugunan ang pangangailangan at maging kapaki-pakinabang ang diksiyonaryong ito para sa iba't ibang larangan ng pamumuhay sa lipunang Pilipino...