KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•bà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Bahagi ng mukha na nása gawing ilalim ng bibig.

Idyoma
  • kalóg na ang babà
    ➞ Matanda na.
    Kalóg na ang babà ni Inang kayâ hiráp na siya sa mahabang paglalakad.
Tambalan
  • • salumbabàPangngalan
  • ➞ Kamay na nakasalo sa babà.
  • • salumbabâPangngalan
  • ➞ Babéro.

ba•bà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kakulangan ng taas.
Hindi normal ang babà ng kaniyang upuan na naiiba sa karaniwang súkat.
BANSÓT, KAIKLIÁN, KAPANDAKÁN

Paglalapi
  • • kababáan, pagkamababà, pagpapababà : Pangngalan
  • • mababà: Pang-uri

ba•bâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkilos na mula sa itaas pailalim.
Mamayang ikaapat pa ang babâ ni Ella mula sa ikatlong palapag.

2. Paglabas mula sa isang sasakyan.

3. Pagliit ng halaga o dami.

4. Paghupa ng tubig gaya ng sa bahâ o isang láwas ng tubig.

5. Paglalapag ng anuman.

6. Tingnan ang pagbabáng-luksâ

Paglalapi
  • • ibabâ, pagbabâ, palababaán: Pangngalan
  • • babaín, babáan, ibabâ, magbabâ, mapababâ, pababaín: Pandiwa
  • • pababâ, pakumbabâ, pinagbabaán: Pang-uri
  • • pababâ : Pang-abay
Tambalan
  • • kababáang-loóbPangngalan

ba•bá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paraan ng pagsakay sa likod ng tao na nakakapit sa leeg ng sinasakyan.
Nakababá ang bata sa kaniyang ama.

Paglalapi
  • • pagbabá, pagkababá, pambababá: Pangngalan
  • • babahán, babahín, bumabá, mababahán: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?