KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hí•lig

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkakatayong nakatagilíd o nakahapáy; pagsandal sa anumang bagay.
Naantala ang datíng ng kaibigan niya sa kanilang tagpuan kayâ napatagal ang hílig ng kaniyang katawan sa posteng naroon.
KÍLING, SANDÍG, PALÍNG

2. Nakahuhumalingang gawín ng sinuman.
Ang hílig niya ay magdisenyo at manahi ng damit.
GUSTÓ, INTERÉS, KAGUSTÚHAN, NÁIS

3. Natural na pagkakasandíg sa pagkabaluktót.
Sa bandang kaliwa ang hílig ng katawan niya sa paghiga.

Paglalapi
  • • pagkahílig: Pangngalan
  • • hilígan, humílig, ihílig, magkahílig, pahilígin: Pandiwa
  • • mahílig, pahilíg: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?