KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

in•te•rés

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Pinagkakaabalahan; anumang paksa na nais matutuhan o maláman.
May interés siya sa biyolohiya, lalo na ang tungkol sa ebolusyon.

2. Kagustuhan o paghahangad.
Malaki ang interés niyang makatapos ng pag-aaral.

3. Malasákit.
May interés siyá sa iyong kinabukasan, kayâ lági ka niyang pinapangaralan.

4. Ikabebenepisyo o bentaha.
Umaksiyon ang politiko para sa interés ng publiko.

Paglalapi
  • • magkainterés: Pandiwa

in•te•rés

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Tubò o patong sa kuwartang ipinautang.

Paglalapi
  • • magkainterés: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?