KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hig•náw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglipas o pagtigil ng anumang biglang bumubugsô at nagbibigay ng pinsalà (gaya ng bagyo, bahâ, atbp).
AMPÁT, HIBÁS, HUPÀ, TÍGIL

2. Katahimíkan ng paligid pagkatapos ng bagyo.
LAMIKMÍK, KAHINAHÚNAN, KAPAYAPÁAN, KALMÁDO, PAYAPÀ

Paglalapi
  • • kahignawán, paghignáw: Pangngalan
  • • humignáw: Pandiwa
  • • mahignáw: Pang-uri

hignáw

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Mahinahon, payapa, tahimik, kalmado.
Hignáw na ang malakas na hangin ng bagyo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?