KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•bás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbabâ ng lagnat; paggaling ng isang may lagnat.
Mabilis ang hibás niya nang makainom ng gamot.
BABÂ

2. Pagtigil o pagtilà ng malakas na hangin, ulan, o bagyo; paghupà ng bahâ o malakas na alon ng dagat.
Natuwa ang lahat sa paghibás ng hanging taglay ng bagyo.
HIGNÁW, HULÁS, HÚLAW, HUPÀ

Paglalapi
  • • paghibás: Pangngalan
  • • hibasán: Pandiwa

hi•bás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakatagilid ang áyos.
Hibás na ang bahay nila nang tumigil ang malakas na unos.
HÁPAY, HÍLIG, KÍLING

hi•bás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nabawasan ang tindi o sidhî gaya ng sa lagnat, bagyo, at bahâ.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?