KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•bà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Bahagi ng mukha na nása gawing ilalim ng bibig.

Idyoma
  • kalóg na ang babà
    ➞ Matanda na.
    Kalóg na ang babà ni Inang kayâ hiráp na siya sa mahabang paglalakad.
Tambalan
  • • salumbabàPangngalan
  • ➞ Kamay na nakasalo sa babà.
  • • salumbabâPangngalan
  • ➞ Babéro.

ba•bà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kakulangan ng taas.
Hindi normal ang babà ng kaniyang upuan na naiiba sa karaniwang súkat.
BANSÓT, KAIKLIÁN, KAPANDAKÁN

Paglalapi
  • • kababáan, pagkamababà, pagpapababà : Pangngalan
  • • mababà: Pang-uri

ba•bá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paraan ng pagsakay sa likod ng tao na nakakapit sa leeg ng sinasakyan.
Nakababá ang batà sa kaniyang ama.

Paglalapi
  • • pagbabá, pagkababá, pambababá: Pangngalan
  • • babahán, babahín, binabahán, bumabá, mababahán: Pandiwa

ba•bâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkilos na mula sa itaas pailalim.
Mamayang alas-4 pa ang babâ ni Ella mula sa ikatlong palapag.

2. Paglabas mula sa isang sasakyán.

3. Pagliit ng halaga o dami.

4. Paghupa ng tubig gaya ng sa bahâ o isang láwas ng tubig.

5. Paglalapag ng anuman.

6. Tingnan ang babáng-luksâ

Paglalapi
  • • ibabâ, pagbabâ, palababaán: Pangngalan
  • • babaín, babáan, ibabâ, magbabâ, mapababâ, pababaín: Pandiwa
  • • pababâ, pakumbabâ, pinagbabaán: Pang-uri
  • • pababâ : Pang-abay
Tambalan
  • • kababáang-loóbPangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?