KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ki•líng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Malagong buhok sa batok ng kabayo.

ki•líng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Tingnan ang kawáyang-kilíng

ki•líng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Táong hindi tuwid ang ulo sa katawan kundi nakahilig sa kaliwa o sa kanan.

Paglalapi
  • • maikíling: Pandiwa

kí•ling

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghilig sa isang gawi ng isang bagay na tuwid.

2. Pag-ayon sa isang panig.
KAMPÍ, PÁNIG

Paglalapi
  • • kinikilíngan, pagkíling, pakíling : Pangngalan
  • • kumíling: Pandiwa

ki•líng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakahilig ang ulo sa isang gawi.

2. Nakabaling ang anumang bagay sa isang gawi.
PIHÍT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?