KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hú•las

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Unti-unting pagkalusaw o pagkatunaw gaya ng nangyayari sa asukal na nabasâ.
Hindi na mapakikinabangan ang húlas na asukal.

2. Tingnan ang agnás

3. Pagpapawís ng bangang may lamáng tubig.
Ang húlas na nakikita sa labas ng báso ay sanhî ng malamig na tubig na nakalagay.

4. Pagbabà ng lagnat.
Mabilis ang húlas ng kaniyang lagnat dahil sa ininom na gamot.
HIBÁS, HIGNÁW

Paglalapi
  • • paghúlas: Pangngalan
  • • hulásan, humúlas: Pandiwa
  • • mahúlas: Pang-uri

hu•lás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tingnan ang lusáw
Hulás na ang yelo sa báso.

2. Tingnan ang hibás
Hulás na ang kaniyang lagnat.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?