KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lú•saw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
lá•saw
Kahulugan

Pagtunaw ng mga bagay na buo o solido sa pamamagitan ng init atbp.
TÚNAW

Paglalapi
  • • lumúsaw, lusáwin, malúsaw: Pandiwa
  • • nalulúsaw: Pang-uri

lu•sáw

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Varyant
la•sáw
Kahulugan

1. Naging likido.
Ang tanging dinatnan ko sa bahay ay lusáw na sorbetes.

2. Tingnan ang bugók
Ang nabili ko ay lusáw na itlog.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?