KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•pay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghílig o pagkíling ng isang nakatayô gaya ng haligi; anyô ng isang bagay na hindi tuwid ang tayô.
Mababâ ang hápay ng mga dahon ng saging.
KÍLING, PÁLING, TAGÍLID

2. Pagkalugi sa anumang pinamuhunan.
PAGBAGSÁK

Paglalapi
  • • paghápay, pagkahápay : Pangngalan
  • • hapáyan, humápay, humápay-hápay, ihápay, ikahápay, maghápay, pahapáyin: Pandiwa

ha•páy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakakíling ang áyos; hindi matuwid ang pagkakatayô.
Hapáy na halos ang mga sanga sa punò dahil sa lakas ng bagyong nagdaan.

2. Nalúgi kung sa pangangalákal.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.