KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•bag•sák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
bagsák
Kahulugan

1. Paglaglag o paglagpak mula sa mataas na kinalalagyan (gaya ng dahon, ulan, atbp.).

2. Pagkahapay o pagkalugi ng puhunan.
Hindi niya inaasahan ang pagbagsák ng kanilang negosyo.

3. Hindi pagtatagumpay; hindi pagkapasa.
Ang pagbagsák sa pagsusulit ay hindi dapat ikasira ng loob.

4. Paghina.
Ang pagbagsák ng imperyo ay nagbunsod sa pagkakatatag ng bagong pamahalaan.

5. Pagsuko o pagkabihag ng kaaway.
Ang pagbagsák ng mga rebeldeng NPA ay isang pag-asa para sa kapayapaan.

6. Pagkawala ng mataas o mabuting tungkulin, puwesto, karangalan, pagkatao, atbp.
Kapabayaan sa tungkulin ang dahilan ng kaniyang pagbagsák.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.