KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hap•lít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Palò o pagpalò ng latigo.
Napalakas ng haplít sa kalabaw ng magsasaká kayâ umalma ito.
HAGUPÍT, HAMPÁS, LABTÍK

2. Pagsilakbo ng lakas, gaya sa paligsahan sa pagtakbó na ibinibirit ang hulíng lakas upang maunahan ang mga kalaban.
Panáy na ang haplít niya sa pagtakbo dahil malapit na siyá sa finish line.
SILAKBÓ

Paglalapi
  • • haplítan, paghaplít: Pangngalan
  • • haplitín, humaplít: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?