KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•gu•pít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpalong walang pakundángan lalo na kung isang ang látigó o katulad nito ang ginagamit.
Nakaaawa ang hagupít na dinanas ng kalabaw mula sa kamay ng ámo.

2. Walang pakundángang tuligsâ.
Hindi matatawaran ang hagupít ng batikos kay Juan.

Paglalapi
  • • paghagupít, panghagupít: Pangngalan
  • • hagupitín, hinagupít, humagupít, ihagupít, ipanghagupít, mahagupít, manghagupít: Pandiwa
  • • panghagupít: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?