KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ham•pás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Malakas na palò.
Lumatay sa kaniyang braso ang hampás ng sanga ng kahoy.
HAMBÁLOS, HAPLÍT

2. Ginagawa sa pagbubuwal o pagpapatumba ng anuman.
Ang malakas na hampás niya sa punò ng saging ang nagpatumba rito.

Paglalapi
  • • paghampás: Pangngalan
  • • hampasín, hinampás, humampás, ihampás, ipanghampás, maghampásan, manghampás: Pandiwa
Idyoma
  • hampás sa kalabáw, sa kabáyo ang látay
    ➞ Pasaring na pangungusap na ipinaririnig sa isang kinamumuhian.
  • hampás-tikín ang áraw
    ➞ Kiling na sa kanluran ang araw.
    Hampás-tikín na ang áraw nang umuwi ang panganay niya sa bahay dahil sa maghapong paglalako ng paninda.
  • hampás ng lángit
    ➞ Parusa ng Diyos.
    Hampás ng lángit ang dinaranas nilang kahirapan.
  • hampásang-álon, hampás-álon
    ➞ Tabing dagat, baybáyin.
    Halos sa hampás-álon na nakatirik ang bahay ng matanda.
  • hampás-kalabáw
    ➞ Walang awang paggulpi.
    Hampás-kalabáw ang ginawa niyang parusa sa anak.

ham•pás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

PANGINGISDA Isang uri ng baklád o kurál.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?