KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

si•lak•bó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-aalimpuyo at paglipad ng maraming alikabok.

2. Malakas na bugá ng apoy.

3. Biglang paglabas ng samâ-ng-loób; walang abog-abog na pagkagalit.

Paglalapi
  • • pagsilakbó: Pangngalan
  • • ikinasilakbó, pinasilakbó, silakbuhán, sumilakbó: Pandiwa
  • • masilakbó: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?