KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hag•pós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
hak•pós
Kahulugan

1. Pagkaalis ng talì o buhol sanhî ng kaluwagan nitó.
Naanod ang bangkâ dahil sa hagpós na talì nitó.

2. Hindi sinasadyang pagkabitiw.
Ang paghagpós ng kamay niya sa estríbo ng sasakyán ang naging sanhî ng kaniyang pagkahulog.
HABSÔ, HULAGPÓS, LUWÁG, PAGKAHULAGPÓS

3. Banayad na paghaplos ng mga kamay.
HÁGOD, HAPLÓS

Paglalapi
  • • paghagpós: Pangngalan
  • • hagpusín: Pandiwa
  • • humagpós : Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?