KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lu•wág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kalagayang hindi masikip gaya ng talì, bútas, sisidlan, upúan, atbp.
KÁWANG

2. Kalagayang hindi estrikto.

Paglalapi
  • • kaluwagán, pagluluwág, paluwágan: Pangngalan
  • • lumuwág, luwagán, magluwág, mapaluwág, paluwagín: Pandiwa
  • • maluwág, makaluluwág: Pang-uri
Idyoma
  • maluwág na táo
    ➞ Mapagbigay-loob; mapagparaya.
  • maluwág ang tornílyo
    ➞ May depekto sa pang-unawa.
  • maluwág sa mga taúhan
    ➞ Maunawain at mapagbigay sa kahilingan at pangangailangan ng kaniyang nasasakupan; nagdududlot ng ikagiginhawa ng mga nasasakop.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?