KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hu•lag•pós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
hi•lag•pós
Kahulugan

1. Pagkakaalis ng talì dahil sa masamáng pagkakabuhol.
Unti-unti ang hulagpós sa talì ng áso dahil sa kakakawag, kayâ nakalabas.
HAGPÓS, LAGPÓS

2. Pagtakas o paglaya mula sa anumang nagpapagapos.

Paglalapi
  • • paghulagpós: Pangngalan
  • • humulagpós, makahulagpós, pahulagpusín: Pandiwa

hu•lag•pós

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Varyant
hi•lag•pós
Kahulugan

Nakawalâ sa pagkakagapos o pagkakatali; nakalag ang buhol o pagkakagapos.
Hulagpós sa tali ang ibon, kayâ nakawala at lumipad.
KALÁS, LAGPÓS, TANGGÁL

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.