KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•god

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Masuyo at banayad na paghaplos sa bahagi ng katawang masakít o may dinaramdam.
Nakabawas sa nararamdamang sakít sa likod ni itay ang hágod ni inay.
HAPLÓS, HÍMAS, MASÁHE

2. Maingat at pantay na pagpahid ng pintura.
Dinahan-dahan ng pintor ang hágod sa kambas kayâ naging maganda ang resulta ng kaniyang obra.

3. Pagbigkas nang buóng íngat at kahusayan tulad sa pag-awit, pagtulâ, at pagsasalita,
Mahusay ang hágod sa biyolin ng bihasang musikero.

4. Pag-amo o paghikáyat sa pamamagitan ng masuyong pangungusap at pagpapaliwanag.
Ang hágod ng ina at masuyong pakiusap ay tanda ng pagmamahal.

5. Pagbuli o pagpapakintab.
Ang hágod na ginawa ko sa aking sapatos gámit ang Kiwi ay itinuro ko sa aking kapatid.

Paglalapi
  • • paghágod: Pangngalan
  • • hagúran, hagúrin, hinágod, humágod, ihágod, maghágod: Pandiwa
Idyoma
  • kúlang sa hágod
    ➞ Kúlang sa panunuyo.
    Kúlang ka sa hágod kayâ hindi mo siya napasagot.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.