KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hap•lós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Banayad at magaan na pagpaparaan ng kamay sa masakit na bahagi ng katawan upang paginhawahin ang may karamdaman.
Masarap sa pakiramdam ang haplós ng kamay ng ina.
HÁGOD, HÍLOT, PÁHID

2. Pabiglang pagpahid ng mga dalirì sa duming nakadikit sa anuman upang iyon ay tumilapon.
Biglâ ang haplós ko sa braso niyang may dahon.

3. Paghagod-hagod sa likod ng kapuwa, lalo na ng isang nanunuyò upang matamo ang nilulunggatî.
Pinatatahan ng kasintahan ang irog na umiiyak kayâ marahan ang haplós niya sa likuran nito.

Paglalapi
  • • paghaplós: Pangngalan
  • • haplusín, hinaplós, hinaplusán, humaplós, ihaplós, ipahaplós, maghaplós: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.