KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•lát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kadahupan o pagdarahop sa anuman.

2. Pagkakaroon ng malubhang pagkukulang o kawalan ng anumang bagay na mahalaga sa kabuhayan o pamumuhay.

Paglalapi
  • • pagkasalát: Pangngalan
  • • ikinasalát, masalát, nasalát, sinalát: Pandiwa

sa•lát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Naghihirap o said sa kabuhayan.
DUKHÂ

sa•lát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Magaan at dahan-dahang paghipo sa anuman ng isang bulág o malabo ang mga mata o ng isang may malinaw na paningin ngunit nása dilim ang bagay na kinakapa.
DAMÁ, HIPÒ, KAPÂ

Paglalapi
  • • pagsalát, pananalát: Pangngalan
  • • manalát, ipansalát, magpasalát, magsalát, nagpasalát, nagsalátan, nasalát, pasalatín, pinasalát, salatín, sinalát, sinasalát, sumalát: Pandiwa

sa•lát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nahihipò (kung sa bagay na bahagyang nakalitaw).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?