KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•pa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Balábal na mahaba, malapad, at walang manggas na ikinakabit sa likod ng damit ng magsusuot gaya ng reyna, hari, o arsobispo.
ABRÍGO, BALÁBAL, MÁNTA

2. Sapin ng manipis na bagay.

Paglalapi
  • • magkápa: Pandiwa
  • • nakakápa: Pang-uri

ka•pâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
nga•pâ
Kahulugan

Paghahanap gámit ang kamay sa anumang hindi nakikita dahil sa kalabuan ng mata o kadiliman ng lugar.
APÚHAP, KAPKÁP, SALÁT

Paglalapi
  • • pagkapâ: Pangngalan
  • • kapaán, kapaín, kumapâ, mangapâ, mangkapâ: Pandiwa

ká•pa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang lináb

2. Bulâ na nakalutang sa tubig.

3. Tingnan ang halágap

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?