KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dá•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Babae na laging kasáma ng isang maharlika na nakalaang tumupad sa mga utos nitó.

2. Babaeng abay ng isang nahalal na reyna ng kagandahan, musa ng pagtitipon, atbp.

Paglalapi
  • • magdáma: Pandiwa

dá•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

ISPORTS Larong Pilipino na nakahahawig sa chess at may layuning maubos ang mga peon ng kalaban.

Paglalapi
  • • damáhan: Pangngalan
  • • dumáma, magdáma: Pandiwa

da•má

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagdanas, pagsalat, o pagkilála sa anuman sa pamamagitan ng pandamá.

Paglalapi
  • • pandamá: Pangngalan
  • • damhín, ipadamá, madamá: Pandiwa
  • • nadaramá: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?