KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•bí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang tirá

2. Tingnan ang bakás
Nababanggit sa kasaysayan ang mga labí ng isang matandang kabihasnan sa Mesopotamia.

3. Tingnan ang bangkáy

Paglalapi
  • • nalabí, nalalabí: Pang-uri
Idyoma
  • labíng-áso
    ➞ Dalagang itinanan ng laláki at muling isinauli o kinuha ng mga magulang.
    Labíng-áso si Loida kayâ, hiyang-hiyâ siyá sa mga kaibígan.

la•bì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ANATOMIYA Bahagi ng bibig nanása dákong labas.

2. Tabí o gilid ng bibig ng isang bagay.
May básag ang labì ng basong ininuman niya.

3. Tingnan ang bíngit
Nása labì ng bangin ang batang nagpapalipad ng saranggola.

Paglalapi
  • • paglabì: Pangngalan
  • • labían, lumabì, manlabì: Pandiwa
  • • labián: Pang-uri
Idyoma
  • tahiín ang labì
    ➞ Patahimikin, magsawalang-kibo.
  • nasusían ang mga labì
    ➞ Hindi nakapangusap o hindi nakakibo.
  • nása labì ng kamatáyan
    ➞ Malapit nang mamatay.
  • may gátas pa ang labì
    ➞ Musmos pa; batang-batà pa.
  • labì ng húkay
    ➞ Libíngan.
  • tikóm na labì
    ➞ Hindi masalita, tahimik, laging walang kibo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?