KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ti•rá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pamumuhay sa isang lugar o kalagayan.
TÁHAN

Paglalapi
  • • pagtirá, tiráhan: Pangngalan
  • • tinirhán, tirhán, tumirá: Pandiwa

tí•ra

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
tirar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Bugbog, hampas, suntok, o anumang katulad na kilos ng pananakit.

2. Pagganap sa ilang uri ng laro o sugal, gaya ng paggalaw ng piyesa sa chess, paghagis ng bola sa basketbol, atbp.

Paglalapi
  • • tiráhin, tumíra: Pandiwa

ti•rá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kaunting bahagi na naiwan ng anuman.
LABÍ

2. Mga bagay na hindi nagamit.

3. Mga piraso ng pagkaing hindi naubos.

Paglalapi
  • • pagtitirá: Pangngalan
  • • magtirá, tinirhán, tirhán: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?