KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bí•ngit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pinakagilid na bahagi ng anuman (lalo na kung mapanganib); pagmuntik-muntikanan.
Huwag mong ilagay sa bíngit ang tása at bakâ lumagpak.
LABÌ

2. Mapanganib na kalagayan.
Nása bíngit ng kamatayan ang matandang may sakít.

Paglalapi
  • • mabíngit, mamíngit : Pandiwa

bí•ngit

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nása pinakagilid.
Bíngit ang pagkakalagay ng mangkok sa mesa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?