KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kál•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
calma
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Tingnan ang hináhon

2. Paghinà ng hangin o samâ ng panahon at pagbabalik ng normal na kalagayan o dáting katahimikan.
HÚLAW, HUPÀ

Paglalapi
  • • pakalmahín : Pandiwa
  • • kalmádo, pampakalmá: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?