KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•ná•hon

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkamalumanay sa pakikitungo sa kápuwâ.
Makikita ang hináhon niya sa gitnâ ng mainitang pagtatalo kayâ sa hulí ay nagkasundô silá.
KÁLMA

2. Pagkaalis ng gálit, kapusukan, at iba pang damdáming nangangailangan ng pagpígil.
Ipinakita niya sa mga nagtatalo ang hináhon sa kaniyang mga kilos at sinasabi upang maging maayos ang lahat.
KATAHIMÍKAN, KATIWASAYÁN, LAMÍG-NG-LOÓB, PAGTIMPÎ, KATININGÁN

Paglalapi
  • • humináhon, kahinahúnan, magpakahináhon, pahinahúnin: Pandiwa
  • • mahináhon: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?