KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hu•lò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. HEOGRAPIYA Dákong pinagmumulan ng ilog, sapà o batis, atbp.
Sa hulò unang nanggagaling ang malakas na agos ng tubig.
BÁLONG, BUKÁL, LABÁK

2. HEOGRAPIYA Bahagi ng isang pook na nása dákong hilagà.
ILÁYA

3. Pagkunawà o palagay tungkol sa iniisip na pinag-aalinlanganan.
Ang hulò ko sa batang iyan ay makatatapos sa pag-aaral.
KURÒ

Paglalapi
  • • hulúin, humulò: Pandiwa
Idyoma
  • luwasa’t hulò
    ➞ Pinagmulan o ang pagayon at paganito ng bagay-bagay.
    Luwása’t hulò lámang ang mga pangyayari sa mundo.

hu•ló

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Manok na túbong Jolo at kilalá sa pagiging mahusay na panabong; manok na may pálong na sanga-sanga.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?