KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•bák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. HEOGRAPIYA Tingnan ang lubák
Iwasan mo ang mga labák sa lansangan bakâ tumirik ang iyong sasakyán.

2. ANATOMIYA Malalim na bahagi sa pagitan ng labì at babà.

3. Dalawang baraha sa ikalawang pagkaalbor sa larong monte, na malapit sa bumabaraha.
Akó ay pumustá sa kabayo sa labák.

4. HEOGRAPIYA Tingnan ang hulò

5. HEOGRAPIYA Mababang pook.
LAMBÁK, LIBÍS

6. Dakong ibabâ ng páhiná.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?