KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•kál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tubig na kusang umaagos mula sa ilalim ng lupa.
BÁTIS, SÍBOL, SÁNOG

bu•kál

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tingnan ang likás

2. Tunay na nagmumula saanman.
Bukál sa loob niya ang kabutihan.

Idyoma
  • bukál sa ísip
    ➞ Dati nang alam; katutubo.
    Bukál sa ísip ng batang iyon ang pag-aaral.

bu•kál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kagawad ng sangguniang panlalawigan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?