KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hin•tô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kalagayan ng isang táo, bagay, atbp. na hindi kumikilos o gumagalaw.
Naging matagal ang hintô ng lahat ng sasakyán dahil sa trapiko.
PÁRA, HIMPÍL, TÍGIL

Paglalapi
  • • paghintô, pagkahintô : Pangngalan
  • • hinintô, hintuán, hintuín, humintô, ihintô, ipahintô, ipinahintô, maghintô, pahintuín: Pandiwa
  • • pahintô-hintô, pinahintô: Pang-uri

hin•tô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakatigil o hindi kumikilos na táo o bagay na gumagalaw.
Pansamantalang hintô muna sa gilid ng kalsada ang mga táong naglalakad dahil sa biglang bugso ng malakas na ulan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?