KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•ra

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
parar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Pagpapatigil o pagpapahintô ng isang sasakyán lalo na kung ibig sumakay o bumababâ; pagpapara.

Paglalapi
  • • pagpára, parahán: Pangngalan
  • • ipára, paparáhin, paráhan, paráhin, pinaráhan, pumára: Pandiwa

pá•ra

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Ilokáno
Kahulugan

Bilog na lamáng tumubo sa loob ng niyog; tumbong ng niyog.

pá•ra

Bahagi ng Pananalita
Pang-ukol
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Nauukol sa.

2. Tulad ng.

pá•ra

Bahagi ng Pananalita
Pangatnig
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Tingnan ang úpang

pá•ra

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
comparar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Tingnan ang tíla

2. Tingnan ang katúlad

Paglalapi
  • • kapára: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?