KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

him•píl

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kalagayang hindi gumagalaw o nakatigil; pamámahingá.
Sandali lang ang himpíl ng bus pára sa nais bumili ng pasalubong.

2. Pagligpit sa isang tabí upang hindi makasagábal.
Iayos mo ang himpíl ng sasakyán natin upang hindi makasagabal sa iba.
PARÁDA

Paglalapi
  • • himpílan, paghimpíl: Pangngalan
  • • humimpíl, ihimpíl, ipahimpíl, magpahimpíl, pahimpilín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?