KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ham•pás•lu•pà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
hampás+lupà
Kahulugan

Táong tamad at walang ginawa kundi ang magpalibot-libot; táong walang hánapbúhay.
Kinaiinisan ng pamilya ang hampáslupà nilang kaanak na madalas umasa sa kanila.
BAGAMÚNDO, LAGALÁG

ham•pás-lu•pà

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Walang hanapbuhay, tamad at walang ginagawa kundi ang maglibot sa kung saan-saan.
Dalangin ko na magkahanapbuhay na ang pamangkin kong hampáslupà.
GALÂ, LAGALÁG, LIBÓT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?