KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•ga•lág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglalakbay túngo sa iba't ibang pook nang walang tiyak na layunin.
LÁBOY, LÍBOT, HÍKAP, LAKÁW, LIWALÍW

2. Tawag din sa táong may ganitong gawî.
LAKÁW, BAGAMÚNDO, LIBÓT, LAKWATSÉRO

Paglalapi
  • • paglalagalág: Pangngalan
  • • lumagalág, maglagalág: Pandiwa
  • • mapaglagalág: Pang-uri

la•ga•lág

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakapaglakbay na sa maraming pook.
GALÂ, TURÍSTA

2. Palipat-lipat ng pook na tinitirhan.
NOMÁDA

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?