KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gala

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Bigkas
géy•la
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

Natatanging pormal na okasyon na karaniwang may iba't ibang pagtatanghal.

ga•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paglilibot sa iba’t ibang pook sa maikling panahon.
Sa mall ang galà ng magkaibígan.
PASYÁL, LIWALÍW

Paglalapi
  • • galaán, pagalà , paggalà: Pangngalan
  • • ginalà, gumalà, gumalà-galà, igalà, magpagalà-galà: Pandiwa
  • • pagalà-galà: Pang-uri

ga•lâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Mahilig maglibot o nakararating kung saan-saan.
Hindi kasi akó galâ kayâ hindi ko pa saulado ang mga lugar dito.
LAYÁS, LAGALÁG, LIBÓT, LAKWATSÉRO

Paglalapi
  • • maggalâ: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?