KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•lik•wát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghahanap ng bagay na nawawalâ sa mga taguang ipinalalagay na napaglagyan.
Walang tígil ang halikwát ni Maycee sa buong kuwarto sa paghahanap ng nawawalang papeles.

2. Pagpapaawáng o pagpapaangat sa isang bagay na mabigat.
Nagpatulong siyá sa paghalikwát sa sofa upang kunin ang tsinelas na pumailalim dito.
BULATLÁT, HALUGHÓG, HALÚKAY, HALUNGKÁT, SIKWÁT

Paglalapi
  • • hálikwátan, paghalikwát: Pangngalan
  • • halikwatín, humalikwát, ipahalikwát, maghalikwát: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?