KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•lat•lát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Masinsing paghahanap sa isang lalagyán (lalo kung may nawawalang gámit).
HALUGHÓG, HALÚKAY, HALUNGKÁT

2. Pagbubukás o pag-aalis ng pagkakabálot sa anuman.

3. Pag-uusap hinggil sa anumang bagay, ideya, pangyayari, at ibang tao.

bu•lat•lát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. May hitsura (ang isang lalagyán) na tíla ginulo dahil sa paghahanap.

2. Nakabukás o wala nang bálot.

Paglalapi
  • • pagbulatlát: Pangngalan
  • • bulatlatín, ipabulatlát, mabulatlát, magbulatlát: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?