KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•lug•hóg

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghahanap ng nawawalang bagay kung saan masúsing sinisiyasat ang lahat ng dáko.
Nawawala ang tiket ni Celso na nanalo sa lotto kayâ panay ang halughóg sa kaniyang mga gámit.
HALÚKAY, HALUNGKÁT

2. Paghahanap sa mga gámit ng táong pinaghihinalaang nagtatagò o nag-iingat ng anumang ipinagbabawal o hindi kaniya.
Masinsinang halughóg ang ginawa ng security guard sa bag ng bawat empleado.

Paglalapi
  • • hálughúgan, paghahalughóg, paghalughóg: Pangngalan
  • • halughugín, hinalughóg, humalughóg, maghalughóg, ipahalughóg, makihalughóg: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?