KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hú•log

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbagsak ng anuman búhat sa mataas na lugar.
Sa helikopter nagmula ang húlog ng mga confetti pára sa anibersaryo ng EDSA.
BAGSÁK, LAGLÁG, LAGPÁK

2. Tingnan ang bagsák

3. Halagang sa tuwi-tuwina ay ibinabayad sa pagkakautang.
Sandaang piso ang húlog ko kada linggo sa bumbay.
HORNÁL

4. Tingnan ang sálin

5. Paglalagay o pagpapasok ng anumang bagay sa isang bútas.
SÁLANG, TÁKAL

6. KARPINTERIYA Gámit ng mga karpintero sa pagtatayô ng anumang gusalì.
Ilawit na ang húlog upang maasinta na ang kamada.

7. Deposito o pagdedeposito sa bangko.
Tuwing sahod ang húlog na ginagawa ko sa bángko.

8. Dami ng mantekilyang nagamit sa keyk, bibingka, atbp.

9. Halaga ng kontribusyón o naibayad sa isang asosasyon o samahán bílang isang kasapì nitó.
Ang húlog sa butaw ay binabayaran buwan-buwan.
BÚTAW

Paglalapi
  • • hulugán, kahulugán, paghuhulóg, pagkahúlog: Pangngalan
  • • ihúlog, hulúgan, humúlog, ipahúlog, maghúlog, mahúlog, makapaghúlog, pahulúgan, papaghulúgin: Pandiwa
Idyoma
  • húlog ng lángit
    ➞ Hindi inaasahang kapalarang gaya ng pagkapanalo sa sweepstake.
    Húlog ng lángit ang pagkapanalo niya sa lotto.
  • mahúlog sa kamáy
    ➞ Mapasailalim sa kapangyarihan ng kapuwa.
    Ang masasamáng loob ay dapat na mahúlog sa kamáy ng maykapangyarihan.

hu•lóg

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hinggil sa anumang nalaglag.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?