KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bag•sák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Matindi at biglang pagkahulog.
GIBÂ, GUHÒ, BUWÁL, LAGLÁG, LAGPÁK

2. Pagkaalis sa kapangyarihan (ng isang pinunò o pámahalaán).
TALSÍK

3. Pagkalugi (ng isang negosyo).
BANGKARÓTE

4. Hindi pagpasá sa isang pagsusulit o mga pamantayan.
Kaunti lamang ang bagsák sa Licensure Examination for Teachers (LET).
LAGPÁK

Paglalapi
  • • bagsákan, pabagsák, pagbagsák, pagkabagsák: Pangngalan
  • • bagsakán, binagsák, bumagsák, ibagsák, mabagsakán, mabagsák, magpabagsák, maibagsák, pabagsakán: Pandiwa
  • • pabagsák: Pang-abay
Idyoma
  • binagsakán
    ➞ Binuntal, binugbog.
    Dahil sa kaniyang kayabangan binagsakán siya ng mga kaaway.
  • binagsakán ng sísi
    ➞ Siyang naparatangan.
    Ako ang binagsakán ng sísi sa mga pagkukulang niya sa opisina.
  • ibinagsák
    ➞ Ipinalugi, ipinatalo.
    Ibinagsák ni Milo ang kanilang koponan sa basketbol.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?