KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gu•hò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkawasak ng anumang mabigat at matibay (lalo na ng lupa at mga artipisyal na estruktura).
GIBÂ, BAGSÁK, TIBÁG

2. Mga labí ng nawasak na artipisyal na estruktura (lalo na kung makasaysayan).
Nagiging magandang tanáwin ang ibang guho.

Paglalapi
  • • pagguhò: Pangngalan
  • • gumuhò, iguhò, maguhò, maguhúan: Pandiwa

gu•hô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nawasak (kung sa mabigat at matibay na estruktura).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?