KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•wál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Biglang pagkatumba at pagkakahiga.
BULÍD, HÁPAY

Paglalapi
  • • pagkabuwál : Pangngalan
  • • mabuwál, mapabuwál: Pandiwa

bu•wál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Bahása Súg
Kahulugan

Manipis at tíla belong tela na ginagawang barò o bestida ng babae.

bu•wál

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Natumba at napahiga.
Sa tabí ng buwál na mangga nakatagò ang gintong baul.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?