KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•lang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglalagay ng palayok, kawali, o iba pang lutuan sa kalan.

2. Ang pagkakapatong ng palayok, atbp. sa kalan.

Paglalapi
  • • pagkakasálang, pagsasálang: Pangngalan
  • • isinálang, isálang, magpasálang, magsálang, maisálang, pagsalángin, sumálang: Pandiwa

sa•láng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bahagya o magaang pagsanggi ng kamay sa anuman.
HIPÒ, HÁWAK, SANGGÎ

2. Pagbanggit ng malungkot na nakaraan o búhay na nagiging sanhi ng muling pagsakít ng kalooban ng kapuwa.

Paglalapi
  • • pagsaláng: Pangngalan
  • • magsaláng, masaláng, salangín, sumaláng: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?