KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

A•bá!

Bahagi ng Pananalita
Padamdam
Varyant
Ba!
Kahulugan

Bulalas para sa pagpapahayag ng mga biglang damdámin, lalo na ng hanga at gúlat.

a•bâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Mababa ang kalagayan, antas ng kahalagahan, uri, atbp.
Si Nora ay nagmula sa pamilyang abâ.

2. Kúlang sa yaman at sa iba pang ikinabubúhay.
Kailangan nating kalingain ang mga abáng kababayan.

3. Dumaranas ng matinding hírap o nása kaawa-awang kalagayan.
IMBÎ, DAHÓP, DUKHÂ, HIKAHÓS, KAPÓS, MARÁLITÂ, SALÁT

4. Nakararanas ng pagmamalupit o pananamantala.
Abâ siyang miyembro ng pamilya kayâ umalis siya.
ALIPUSTÂ, AMÍS, APÍ, ÁYOP, DUHAGÌ, DUSTÂ

Paglalapi
  • • pagkaabâ: Pangngalan
  • • abaín, ikinaabâ, maabâ, mang-abâ: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?