KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•pós

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Varyant
nga•pós
Kahulugan

1. Kulang sa karampatang dami.
Kapós ang kinikita niya araw-araw para sa kaniyang pamilya.

2. Kulang sa karampatang sukat.
Kapós ang telang binili niya para sa ipinatatahing damit.

3. Paghina ng anuman.

4. Hindi mahabol ang hininga.

Paglalapi
  • • kakapusán: Pangngalan
  • • kapusín, mangapós: Pandiwa
Tambalan
  • • kapós-pálad, kapós-káyaPang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?